PAHINA NG IMPORMASYON

Pagpopondo at mga mapagkukunan upang suportahan ang Black community

Impormasyon tungkol sa Dream Keeper Initiative.

Dream Keeper Initiative

Ang mga African American ay nakakaranas ng hindi pagkakapantay-pantay ng yaman at kita kumpara sa ibang mga grupo. Ang Dream Keeper Initiative ay ang plano ng San Francisco na baguhin ito para sa mga Black na tao sa aming komunidad.

Pagpopondo

Ang mga pondo sa unang taon ay mapupunta sa:

  • Brighter Futures, Pamilya at Komunidad, $10,560,315
  • Economic Mobility, $33,923,886
  • Edukasyon at Pagpapayaman, $8,234,799
  • Kalusugan at Kaayusan, $4,375,000
  • Mga mini-grants, $2,906,000

Para sa mga update at higit pang impormasyon, bisitahin ang website ng Dream Keeper . Para sa mga tanong o mungkahi, mag-email sa amin sa DreamKeeperSF@SFgov.org .  

Kasaysayan

Noong Hunyo 4, 2020, inanunsyo ni Mayor London N. Breed at Supervisor Shamann Walton na muling ilalaan nila ang isang bahagi ng badyet ng San Francisco Police Department para mamuhunan sa Black community ng San Francisco. 

Inanyayahan ni Mayor Breed at Supervisor Walton ang mga miyembro ng komunidad na ibahagi ang kanilang mga ideya at input sa muling paglalaan ng pondo sa isang proseso na pinangasiwaan ng San Francisco Human Rights Commission (HRC).

Higit pang background

Magbasa pa tungkol sa kasaysayan ng Dream Keeper Initiative: