PAHINA NG IMPORMASYON

Paano makakuha ng tulong mula sa isang tagapayo ng Rent Board

Ang Rent Board ay nagbibigay ng impormasyon sa pagpapayo sa mga paksang sakop ng Rent Ordinance.

Ang mga tauhan ng Rent Board ay hindi makakapagbigay ng legal na payo at sila ay inutusang ipaalam sa iyo kung ang iyong tanong ay isa na dapat sagutin nang maayos ng isang abogado.

Dahil sa mataas na pangangailangan at limitadong bilang ng mga tauhan, kung minsan ay maaaring magkaroon ng mga pagkaantala sa pakikipag-usap sa isang tagapayo. Makatutulong kung naisulat mo ang iyong mga tanong bago ka makipag-usap sa isang tagapayo.

Maaari kang makipag-usap sa isang tagapayo sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 252-4600 sa mga oras ng pagpapayo sa karaniwang araw (9:00 am – Tanghali at 1:00 – 4:00 pm). Ang mga tawag ay karaniwang limitado sa 5 minuto.

Available din ang isang tagapayo sa opisina ng Rent Board mula Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang mga holiday (Pakitingnan ang homepage para sa mga update tungkol sa aming pansamantalang oras ng opisina dahil sa COVID-19). Ang mga pagbisita sa pagpapayo sa opisina ay karaniwang limitado sa 10 minuto.

Dahil sa limitadong staffing, wala kaming kapasidad na tumugon sa mga katanungan sa pamamagitan ng email.